How to Apply Police Clearance in Manila

how-to-get-police-clearance

how-to-get-police-clearance

Narito ang mga practical na tips kung papaano kumuha ng police clearance (applicable lang ito para sa mga nasa Manila pero maaari mo rin itong gawing reference kung ikaw ay nasa ibang lugar sa Pilipinas)

  1. Pumunta sa Manila Police District, U.N. Avenue, sa Police Clearance building.
  2. Kumuha ng form (Fee: P0.00)
  3. Magbayad sa cashier + present valid ID (Fee: 180.00)
  4. Kumuha ng CEDULA (P5.00)
    1. NOTE: Naniningil sila ng P30.00, which is dapat, P5.00 lang according to Commonwealth Act 465
    2. ADVICE: Kung may cedula na kayo dati or gusto nyo makatipid, pumunta ng City Hall ng Manila upang makakuha ng mas murang cedula. Maaari din kayong tumawad at sabihin na “Boss, pasensiya ka na, P10.00 na lang talaga pera ko, pamasahe ko pa pabalik ito.” Pero sabihin ito sa mahina at mahinahong boses.
  5. Pumunta sa Finger printing (P0.00)
    1. NOTE: Naniningil si ate ganda ng P5.00 para sa wet tissue.
    2. ADVICE: Bring your own tissue at sabihin kay ate na mayruon ka ng dala. Huwag mong hintaying si ate ang kumuha at magbukas ng wet tissue para sa iyo. Magdala din ng alcohol para mabango ang kamay.
  6. Pumila para sa picture taking at signature (P0.00)
    1. NOTE: Mabilis at magalang ang nag e-encode dito. Maiiwan ang application form mo sa encoder.
    2. ADVICE: Huwag kang maangas at sumunod sa instruction ng encoder para mabilis ang usapan. May instance pa na tinanong ng encoder kung married o single yung aplikante so deretso ang sagot dahil di naman niya uusisain ang iyong love life.
  7. Kunin ang iyong resibo para sa processing, resibo sa cedula at mismong cedula at maghintay na tawagin ang iyong pangalan upang makuha ang iyong clearance at ID.
    1. NOTE: Ang validity ng iyong Police Clearance ID ay tatagal ng anim (6) na buwan or six months mula ng ito ay ibigay sa iyo.
    2. ADVICE: Hindi ko natanong kung pwedeng kahit wala na lang ID at papel lang ang kailangan mo. Baka nagmahal ang processing fee ay dahil sa ID na binibigay nila na para sa akin ay optional naman pero somehow, convenient dahil proof of identification ito sa maiksing panahon.

In summary, mabilis ang proseso pero hindi ako sang-ayon sa P30.00 na cedula. Ok pa sana kung P10.00 yun, di ako aangal pero sa mataas na halaga– mukhang kaduda-duda.

FYI, yung ibang mga articles kasi sa net, outdated na kaya nag-post ako ng panibago. Sana, di ko na maranasan ulit ito. Whew!

References:

 

Share your opinion

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s